fumbleness

Sa mga nagyayabang na UP sila.

bernoliver:

letmeholdyourhand:

coinoperatedcharm:

peeeelar:

from Jay. Sobrang hands down talaga ako sayo kaya pinopost ko toh sa Tumblr =)) I shall congratulate you tommorrow. haha.

READ HIS STORY :)

Thursday afternoon. I went to Mini Stop to buy merienda. Hassle pa nung araw na yon kasi it was raining. So I was really not comfortable na..Pagpasok sa loob, I saw some of my former classmates in PE 1. Hindi ko na matandaan yung names nilang lahat pero aun nga nagbatian pa rin kami. Groupmates ko ata sila before.Kumuha ako ng drinks dun sa fridge tapos pumila na ko. Dahil mga 5:15 yan nangyari, maraming tao sa MIni-Stop. Pang-pito pa ko sa pila. So okay, kelangan ko maghintay. sa counter ko pa pwedeng ma-claim yung hotdog sandwich na binili ko. Nung pangalawa na ko sa pila…

biglang nagwala si ate na nasa unahan ko…

“kuya bakit ganito? (loud voice)… tang-*^& na-hire ka dito nang hindi marunong bumilang?”

sa lakas ng boses ni ate, napatingin sa kanya lahat,
pati yung mga PE 1 classmates ko.

***chineck ni kuyang nasa counter yung sukli. Kulang ng 20 pesos yung sukli.

crew: ai ma’am sori po, nagkamali lang po ng bilang. akala ko po kasi kumpleto na…sori po talaga *inabot niya na yung 20 pesos na kulang*”

ate: tang-*%^ naman kuya. ayos na pala ang pangungupit ngayon ah. Ul%l mo. di mo ko maloloko. G%go ka pala eh. Ha?!?!? UP ‘to g&%*

so nagpanting naman sa pandinig ko ang paggamit niya ng UP sa statements niya…

at dahil ang tagal niya sa counter…sumagot ako:

“And so what kung UP ka? Ate, hindi ka ba pwedeng magbigay ng konsiderasyon sa mga nakapila dito. Idagdag mo pa diyan na nanggagalaiti ka sa galit sa twenty pesos? Ibinigay na naman sayo di ba? Nagsori na rin di ba? So okay na tayo?”

at dahil marami ngang nakapila..sabay-sabay silang nagmurmur nang:
“oo nga naman”
“kanina pa yan”

“Eh bakit ka ba nakikialam?” sumagot si ateng matapang.

sabi ko naman:
“Three reasons: Una,nakapila kami sa pila na una ka. Naiipit kami di ba? Second, you are trying to use the name of UP to your unethical statements. And soooooo what kung UP ka? yan na ba ang batayan ng life and death ngayon? Pangatlo, you are accusing the person in public without substantial evidences to support your claims. Kapag minura mo siya nang minura in public at may camera dito sa Mini-Stop, that could be a substantial evidence against you. pwede ka niyang kasuhan ng libel. So pano? okay na tayo?”

At dahil nandun na lahat ng crew sa mini-stop, they clapped their hands..and everyone followed.pati mga classmates ko sa PE 1.  HAHHAHAHA. Sorry naaa. Hindi ko intention na awayin si ate. Gutom lang talaga ko nang sobraaaaa.

Nag-walk out siya. natawa naman ako nang sobraaa.

Una, Alam ko na may yabang factor ang pagiging isang estudyante ng UP. Kaya nga super benta ng mga yabang shirts ng UP. right? pero it is not reasonable na mangmata ng kapwa at sa pangmamata na yon eh gagamitin pa ang UP.

Pangalawa, hindi batayan ng buhay at kamatayan ang pagiging isang UP student. Oo it may be one of the factors affecting the continuum of social classes but it is not meant to be a weapon to drop a threat against someone. Sabi ko nga kanina, sooooooooo what? hindi pa nga siya graduate ganun na siya magmayabang. tsss.

Pangatlo, being in UP does not always mean that you are so intelligent na hindi ka na magkakamali tipong akala mo perfect ka na. May mga estudyante akong kilala na wala nang ginawa sa buhay nila kundi mag-cut ng klase at umattend ng kung anu-anong event. Sila yung may mahabang record na ng binagsak na mga subjects at mga major courses pa at wala nang ginawa kundi mag-BS GE sa buhay nila. So sa tingin kaya ni ate okay na na UP siya para di siya magkamali? tss. Nakakahiya na ganun magsalita si ate. taga-UP pa naman siya.

At ang panghuli, dooooooooooont you ever dare na ipagmalaki na taga-UP kung magsalita ka naman eh parang walang academic excellence and moral values na naiambag sa pagkatao mo. Don’t you ever dare to threaten people with your UP ek ek if ikaw sa sarili mo hindi mo i-discern kung ano ang tama at mali.

=D>

HAHAHA IDOL!

panalo…hahhaha

Via SMILE, THEN SHOOT :)
To Tumblr, Love PixelUnion